Una sa Balita

Burara

0 484

Panahon na, na ang mga local government official ay mahigpit at ipatupad na ang batas at ordinansa na may kaugnayan sa pagtatapon ng basura.

Hindi maganda ang resulta sa nagdaang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa Metro Manila matapos mag-iwan ng tone-toneladang basura ang ilan sa ating mga kababayan.

Kung magsisimula nang manghuli, magmulta o kaya ay makulong ng mga lalabag.
Dapat ipamana natin sa susunod na heneras­yon na ang pagiging malinis sa paligid at tanda ng isang mabu­ting mamamayan.

Balitawit:
Tuloy Pa Rin
(Neocolors)

Related Posts

Sa wari ko’y
Lumipas na ang problema nu’ng araw…
Dahan-dahan nang hinahakot.
At ngayo’y babawi pa.
Muntik na
Nasanay ako sa pagi­ging burara.
Kaya nang iwanan ang basurang itinapon n’yo..
Chorus:
Tuloy pa rin tambak ng kinalat n’yo…
Tone-toneladang dumi ito…
Handa na ‘kong hakutin ang ating mundo
‘Pagkat tuloy pa rin

II

Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala na kay linis (alaala ng ‘yong linis)
Inaamin ko na kay ganda pa…
Noon ng mga kalsada!
Kay hirap bang maulit muli
Ang malinis nating paligid (alam ko na ‘yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito

Chorus:
Tuloy pa rin pagtapon, ang baboy n’yo!
Magbago naman sana’ng ugali n’yo…
Handa na bang hamunin ang ating mundo
‘Pagkat tuloy pa rin
Muntik na
Nasanay ako sa pagi­ging burara.
Kaya nang iwanan ang basurang itinapon n’yo.

Chorus:
Muntik na
Nasanay ako sa pagi­ging burara.
Kaya nang iwanan ang basurang itinapon n’yo.
Tuloy pa rin pagtapon, ang baboy n’yo!
Magbago naman sana’ng ugali nyo…
Handa na bang hamunin ang ating mundo
‘Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin pagtapon, ang baboy nyo!
Magbago naman sana’ng ugali n’yo…
Handa na bang hamunin ang ating mundo
‘Pagkat tuloy pa rin…