Una sa Balita

Buong Pilipinas uulanin ng 2-3 araw dahil sa LPA – Pagasa

By
0 115

NAKAPASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa), bagama’t hindi ito inaasahang magiging bagyo ay hahatakin ito ng habagat na siyang maghahatid ng pag-uulan sa Southern Luzon at Visayas sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa Pagasa, hu­ling namataan ang LPA sa 1,240 kilometro sa Basco, Batanes, inaasa­hang uulanin ang Cavite, Batangas, Mimaropa, Bicol Region at Visayas habang sa Metro Manila ay makakaranas ng localized thunderstorms kung saan ibinabala ng Pagasa ang posibilidad ng landslides at flashfloods.

Sinabi ni weather forecaster Chris Perez, na walang direktang epekto ang LPA sa bansa at kung hindi magbabago ang direksyon nito ay hindi magiging bagyo at hindi rin tatama sa lupa.

Ang habagat umano ang siyang patuloy na naghahatid ng pag-uulan sa bansa. (Tina Mendoza)