Una sa Balita

Buntis stranded sa baha, pinaanak ng Dagupan SWAT team

By
0 170

NAGTULONG-tulong ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Dagupan City Police Station (DCPS) upang paanakin ang isang misis sa kasagsagan ng ulan at baha sa Herrero-Perez St., Dagupan City noong Lunes.

Sinabi ni DCPS commander Supt. Jadale Sulit, bago naganap ang panga­nganak, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen sa Herrero-Perez street na may manganganak na isang misis na hindi makapunta sa ospital dahil sa ma­lakas na ulan at pagtaas ng tubig baha.

Dito, agad na inutusan ni Sulit ang DCPS-SWAT sa pamumuno ni PO2 Juven Fermin upang mag responde sa nasabing insidente.

Sinabi ni Fermin, dahil sa kaalaman niya sa first-aid sa panganganak at sa tulong ng SWAT-DCPS, naisagawa nila nang maayos ang ma­nganganak ng misis.

Samantala, sinabi ni Sulit na nakatakdang bigyan ng commendation ang mi­yembro ng SWAT dahil sa kanilang pagligtas at pagpaanak sa isang ginang kahil na masama ay panahon.