Una sa Balita

Buntis, PWD lang ang bawal sa Angkas

0 324

Tabatsoy OK — DOTr

PINANINDIGAN ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na hindi nila ipinagbabawal na magsakay ng mga malulusog o ‘chubby’ na pasahero ang ride-hailing company na Angkas.

Una nang nanindigan ang grupong Angkas na pinagbabawalan umano silang magsakay ng mabibigat na pasahero at ang kautusan na base sa inilabas na probisyon ng DOTr noong Hunyo 2019.

Giit ng ilang miyembro ng Angkas na “we don’t judge, we just want to ensure the safety of the passengers and our bikers.”

Ayon kay Alberto Suansing, ­Assistant Secretary ng DOTr, may kapansanan at buntis lamang ang kanilang pinagbabawalang huwag isakay at hindi ang matataba.

“Hindi ipinagbabawal ng DOTr na magsakay ng mataba. Buntis at may kapansanan lamang ang aming ipinagbabawal, alangan pa bang isakay ang naka-saklay,” paliwanag ni Suan­sing.

Sa kabila nito, patuloy pa ring bumibiyahe ang Angkas sa Metro Manila ngunit tila nagkakaroon naman ng problema sa kanilang Angkas App dahil palagi umanong ‘no service in your area’ ang lumalabas.

Sa Marso nakatakdang ilabas ang desisyon kung dapat pa bang bumiyahe sa kalye ang Angkas na kung saan ay namamayagpag na ang JoyRide na kalaban ng Angkas sa pagkuha ng pasahero. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More