Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buntis napaanak sa bus, sinagip ng health worker

0 46

INABOT ng panganganak ang isang babae sa loob ng sinasakyang pampasaherong bus Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa Tabuk City Fire Department (TCFD), masuwerte na may isang Barangay Health Worker (BHW) na kapwa pasahero na siyang nagpaanak sa ginang na pinangalanan lamang “Elvie” bandang alas-2:00 ng Lunes ng hapon.

Sinabi ng TCFD, galing sa Bontoc, Mountain Province ang bus na sinasakyan ng ginang at pagdating sa nasabing siyudad, bigla na lamang humilab at sumakit ang tiyan ni Elvie habang tumatakbo ang bus.

Isang malusog na babaeng sanggol ang iniluwal ni Elvie, at nasa maayos na kalagayan na ang mag-ina.

Agad namang rumesponde ang TCFD sa insidente at isinugod ang mag-ina sa isang ospital sa Tabuk City. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.