Una sa Balita

Buntis napaanak nang manalo sa Christmas raffle

0 381

Napaanak sa sobrang tuwa ang isang misis matapos na makisaya sa dinaluhang Christmas party para sa mga buntis sa kanilang lugar sa Libungan, Cotabato.

Matapos makisayaw at mabunot sa simpleng pa-raffle ay biglang sumakit ang tiyan ni ginang Jesil Tuanda residente ng Libungan, Cotabato at mabuti naman ay mayroong mga barangay health worker at midwife na kasama sa Christmas party.

“Sa sobrang tawa at kilos ay pumutok na ang panubigan nito na kabuwanan na pala,” ayon sa health worker na dumalo rin sa okasyon.

Kaya naman sa gitna ng selebrasyon ay napaanak ang ginang at isang malusog na baby girl ang kanyang nailuwal.

Nagtulung-tulong ang mga buntis, midwife at health worker na mailuwal ang baby at agad na dinala sa kalapit na pagamutan para mabigyan ng sapat na medikasyon ang ginang.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Tuanda dahil sa nakita niyang pagtutulungan ng mga kapwa buntis, midwife at barangay health official para mairaos ang kanyang panganganak sa kalagitnaan ng kasiyahan nilang Christmas party para sa mga buntis. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy