Una sa Balita

Buntis na kasi: Sexy actress, basketbolista pakakasal sa Mayo

0 591

abante-anything-goes-jun-lalinBuntis pala ang isang not-so-active actress with a sexy image! Courtesy of her boyfriend (ang alam ko, magka-live in na sila sa condominium unit ni girl) na isang PBA player.

Hindi naman ikinakaila ng mag-sweethearts ang sobra nilang pagmamahal sa isa’t isa, kaya ang mga friend nila na nakakaalam na tungkol sa interesting stage ni girl, masaya para sa kanila.

Si PBA player naman kasi, concentrated na sa pagmamahal niya kay not-so-active actress, kaya naman halos si girl o pictures nilang dalawa na lang ang laman ng kanyang Instagram account.

Actually, noong bago pa lang ang relasyon nila (if hindi ako nagkakamali, October lang sila naging mag-on), panay na ang post ni PBA player para hindi na raw siya “guluhin” pa ng ibang girls.

From the start pa lang daw kasi ay alam na ni PBA player na si not-so-active actress na ang “the one” for him, huh!

Samantala, from some sources na close sa dalawa, I heard na hindi naman nila inililihim ang pagbubuntis ni girl. Inaamin nila ‘yon at alam na ng friends nila.

Pero may nakiusap sa akin na huwag munang pangalanan ang mag-sweethearts dahil ngayong May, may announcement sila tungkol doon. Baka may wedding announcement na rin silang gawin dahil ang parents ni PBA player, dara­ting daw para sa special event na ‘yon.

Teka! ‘Yung isang PBA player na kapatid ni PBA pla­yer na tinutukoy ko, hindi kaya mabuntis na rin ‘yung sexy actress na karelas­yon naman? Eh, mukhang seryoso rin ang relasyon ng dalawang ‘yon, although si sexy actress ay balitang naghahanap ng bagong manager nga­yon at hindi pa yata tuluyang igi-give-up ang kanyang career, pero she can still do it naman if ever na magpakasal sila ng kanyang boyfriend, right?!

Puwedeng double wedding sila tutal naman parang double naman ang nakikita ng mga tao kapag magkasama ang dalawang PBA players, huh!

Nakuha n’yo ang big clue? Naku, read between the lines at ang dali namang makuha kung sino-sino ang nasa blind item na ito!

Barbie, Mika bongga kung mag-away

Back to regular taping ang “Kara Mia” today. Dahil nasa likod na nga si Barbie Forteza at si Mika dela Cruz na ang nasa harap kapag magkadikit sila sa iisang katawan sa umaga, nae-experience ng dalawang young actress ang parehong hirap.

Sabi ni Barbie, mahirap din ‘yung nasa likod, pero mahirap din na nasa harap. Parehong matagal kunan.

Pero hindi naman puwedeng tuluyang magkahiwalay silang dalawa dahil ang concept nga ng “Kara Mia” ay ‘yung dala­wang mukha sa iisang katawan na gusto pa rin ng viewers.

Pero type rin nila na nagkakahiwalay ang da­lawa at nag-aaway, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy