Una sa Balita

Buntis na kambing, pinilahan ng 8 kalalakihan sa India

0 902

HINDI pinalampas ng walong hayok na kalalakihan sa India ang isang buntis na kambing­ matapos na gahasain nila ito sa Mewat district ng Haryana, kamakailan.

Nahirapang mag­lakad ang pitong taong gulang na hayop matapos ma-gang rape at dahil sa mga tinamong ­injury ay namatay din kalaunan.

Nadakip naman ang tatlo sa walong suspek at kinasuhan ng paglabag­ sa Section 377 ng Indian­ Penal Code kung saan ­ipinagbabawal ang ‘intercourse against the ­order of Nature with man, woman or animal and under the Animal Cruelty Act.’

Ayon sa ulat ng Hindustan Times, napansin ng may-ari ng kambing na si Aslup Khan na may isang nawawalang alaga kaya’t inalerto niya ang mga kapitbahay.

Sa kanilang paghaha­nap sa isang masukal­ na lugar, narinig nila ang ingay ng kambing at nang sadyain nila ay nadatnan ang tatlong lalaking nakikipag-sex sa hayop.

Nagtakbuhan ang mga suspek subalit inabutan sila ng mga galit na kapitbahay at binugbog. Kumanta rin ang tatlo sa mga pulis na may lima pa silang kasama.

Talamak ang kaso ng panggagahasa sa India kaya’t sa survey ng Thomson Reuters Foundation, itinuring ang bansa bilang ‘dangerous country in the world for women’, kung saan tinatayang 106 kaso ng panggagahasa ang naitatala bawat araw.