Una sa Balita

Buntis na baboy ginasaha ng kelot sa Aklan

0 371

Nag-aalala ang may-ari ng inahing baboy sa pagbubuntis ng alaga nito makaraang mahuli sa akto ang isang lalaki na umano’y gumahasa sa hayop sa Barangay Camanci Norte, Numancia, Aklan.

Sa salaysay ng hindi pinangalanang may-ari, nagising umano ito dakong alas-dos nang madaling-araw nang marinig nito ang ingay sa kulungan ng alaga nitong baboy.

Nang tingnan kung ano ang pinagmumulan ng narinig, dito na tumambad sa kanya ang isang lalaki na hubo’t hubad sa kulungan ng baboy.

Agad umanong kumaripas ng takbo ang lalaki at tumakas.

Dito mas lumakas ang hinala ng may-ari dahil ilang araw na umano nitong napansin na namumula at namamaga ang ari ng alaga.

Aniya, posibleng hindi lamang isang beses ginawa ng lalaki ang kahalayan sa baboy na ilang araw na lamang umano ay mangangak na.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy