Una sa Balita

Buntis hihigpitan sa US visa

0 322

Posibleng maging mahirap sa mga buntis na makakuha ng US visa sa pinaplano ng State Department na maglabas ng bagong guidance tungkol dito.

Ang binabalangkas na regulasyon ay upang madurog ang sinasabi ng Trump administration na ‘birth tourism’, ayon sa BuzzFeed.

Karamihan ng mga pinapanganak sa United States ay kuwalipikado sa U.S. citizenship kahit pa ang mga magulang nila ay hindi mga American citizen.
Lumobo na kasi ang backlog sa employment green card sa 800,000, karamihan sa mga ito ay Indian.

Sa bagong guideline, hindi umano pagba­bawalan ang mga buntis na makakuha ng visa kundi dadaan sila sa mahigpit na screening kung saan bibigyan ng discretion ang mga consular officer na magdetermina kung ang isang babae ay plano lang bumisita sa Amerika sa iisang dahilan, ang manganak doon. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More