Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buntis, 3 pa natusta sa sunog

0 160

Nasawi ang apat na katao kabilang ang isang buntis at menor de edad habang lima ang sugatan matapos ma-trap sa naganap na sunog kahapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang nasawing sina Denise Cadag, 15; Rina Mae Hernandez, 21, isa umanong buntis; isang alyas John Kazim at isang Jasmine Usman, 57.

Nakilala naman ang isa sa limang nasugatan na si Jimmy Canillas, guwardiya at asawa umano ni Hernandez. Si Canillas ay nakaratay ngayon sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Ayon kay FO2 Axel Ramos, alas-9:45 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang tahanan sa M. Natividad St,. malapit sa kanto ng Mayhaligue at Remigio Sts., sa Sta. Cruz.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago naideklarang under control alas-10:13 ng umaga at idineklarang fire out alas-10:26 ng umaga.

Nagsagawa ng clearing ang mga bumbero ay dito nakita ang mga biktima na hindi nakalabas ng kanilang bahay.

Patuloy pang inaalam ng Arson Division ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.