Una sa Balita

Buntis, 11 pang bebot sinuyod sa prostitusyon

By
0 1,467

Nailigtas ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang buntis at 11 pa nitong kasamang babae mula sa prostitusyon sa Aurora Boulevard, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Louise Tremor, hepe ng Cubao Police Station 7, nasa pagitan ng edad 22 hanggang 40 ang mga nasagip na kababaihan, kabilang ang isang babaeng da­lawang buwang buntis na nagbebenta ng pa­nandaliang aliw.

Sinabi ni Tremor, bukod sa pagiging ‘prostitute’ ay sangkot din umano ang mga nasagip na kababaihan sa pagnanakaw sa kanilang mga nagiging kostumer o parukyano.

Samantala, binitbit din ng Cubao police ang siyam na menor-de-edad na pagala-gala at luma­bag sa curfew sa nasabing lugar. Agad namang inimbitahan ang mga magulang ng mga naarestong teenagers sa istasyon ng pulisya upang payuhan.

Maging ang 13 street dweller ay nilinis din ng mga awtoridad, kabilang ang isang ina na napilitan umanong manirahan sa kalsada, kasama ang mga anak, matapos palayasin ng kanyang hipag nang pumanaw ang kanyang mister.

Agad na nai-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga street dweller na ngayon ay isinasai­lalim sa counseling.

Nangako naman ang mga nasagip na hindi na sila muling babalik sa kani-kanilang pagbebenta ng panandaliang aliw, habang ang mga kabataan at street dweller ay nangakong hindi na muling babalik pa sa kalsada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More