Una sa Balita

Bumisita sa hipag, tinodas

By
0 6

Hindi na nakabalik ng buhay sa kanilang bahay ang 39-anyos na lala­ki matapos umanong bumisita ito sandali sa kanyang hipag makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi nakikilalang suspek sa Brgy. Payatas B, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Base sa report ni P01 Christian Loyola ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), nakilala ang biktima na si Noel Royales y Balotabot, ng Area B, Ilo-Ilo St., Group 6, ng nasabing Barangay. 

Nangyari ang krimen dakong alas -7:30 ng gabi at ayon sa umano’y hipag na si Denvy Royales, misis ng kapatid ng biktima sanda­ling nagbisita lang umano sa kanilang bahay ang bayaw para lang mangamusta subalit dahil wala naman doon ang kapatid nito kaya agad din nagpaalam ang biktima para umuwi na.

Subalit ilang minuto lang ang nakakaraan ay nakarinig nalang umano ang hipag ng mga putok ng baril sa harap ng kanilang bahay at nang puntahan nito ang pinangyarihan ay nakita nitong duguang nakabulagta ang kanyang bayaw.