Una sa Balita

Bumili ng 86 mamahaling kotse, opisyal sa Nigeria kinasuhan

By
0 1,185

Kinasuhan ng graft noong Huwebes ang isang opisyal ng Nigerian government dahil sa pagmamay-ari niya ng 86 mamahaling sasakyan.

Kinilala ang opisyal na si Ibrahim Tumsah, finance at account director ng Power, Works and Housing Ministry.

Dawit din sa kasong isinampa sa Abuja Federal High Court ang kapatid niyang si Tijani Tumsah, miyembro ng presidential committee on initiatives.

Ang magkapatid ay parehong tumanggi na ideklara ang kanilang ari-arian matapos na ilang ulit na padalhan ng abiso ng special investigation panel na naatasan sa paghahabol ng public property.

Bukod sa mga luxury car, itinago din ng dalawa ang pagmamay-ari sa apat nilang bahay at isang quarry plant sa Abuja.

Itinanggi naman ng magkapatid ang mga akusasyon laban sa kanila kasabay ng paghahain ng piyansa para pansamantalang makalaya. (AFP)