Una sa Balita

Bumbero arestado sa panghahalay sa 15-anyos na GF sa Ilocos Sur

By
0 792

SA bisa ng arrest warrant, arestado noong Martes ang isang miyem­bro ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa five counts of rape na isinampa ng mga kamag-anak ng 15-an­yos na batang babae na umano’y kasintahan ng una sa Rizal, Cabugao, Ilocos Sur..

Kinilala ni Cabugao Municipal Police Station (CMPS) deputy chief-of-police Insp. Romar Renon, ang suspek na si FO2 Lloyd Galamgam, 29, ng Rizal ng nasabing bayan at nakatalaga sa BFP Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ayon kay Renon, sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Raphiel Alzate, ng Cabugao Regional Trial Court (RTC), Branch 24, si Galamgam ay inakusahan ng five counts of rape na isinampa ng mga kaanak ng isang 15-an­yos na dating kasintahan ng akusado.

Sinabi pa ni Renon, na alam na ni Galamgam na aarestuhin siya kaya boluntaryo siyang sumama sa mga arresting officer ng CMPS.

Ayon sa mga kamag-anak, dumaing umano si Girlie (hindi tunay na pangalan) na sapilitang niyaya siya na makipagtalik ng akusado na labag sa kanyang kalooban.

Ayon sa pulis, naniniwala ang lola ng biktima may nangyari sa akusado at sa biktima.

Nakakulong ngayon sa CMPS ang suspek at kasong child prostitution and sexual abuse at isang milyong bail bond ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.