Una sa Balita

Bumato sa mobile car ng parak binoga

By
0 613

Sugatan ang isang la­laki na bumato sa mobile patrol ng pulis matapos itong barilin ng parak na tinangka nitong saksakin sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi.

Nakaratay sa Valenzuela City Medical Center si Aniceto Dimalos, residente ng Bitik, Barangay Marulas ng nasabing lungsod, matapos barilin ni PO1 Appollo Adina ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa kanang hita.

Sa imbestigasyon ni PO3 Josephus Melpaz ng Station Investigation Unit (SIU), nangyari ang insidente bandang alas-6:55 habang sakay ng mobile car si PO1 Adina at nagpapatrolya sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Barangay Marulas.

Binato daw ni Dimalos ang side mirror ng sasakyan ni PO1 Adina at nang aktong mana­naksak pa ito ay binaril na ito ni PO1 Adina kya tinamaan sa hita.