Una sa Balita

Bumangga sa gutter, Suzuki rider tumilapon

0 241

DEAD-on-arrival ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa gutter ng kalsada sa kahabaan ng General Ordoñez, Brgy. Marikina Heights, Marikina City kahapon nang madaling-araw.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), posibleng lasing ang biktimang si Fernando Anastacio Jr. y Biong, 24-anyos, na naging dahilan ng kanyang maagang pagkasawi.

Naganap ang insidente bandang ala-1:30 Miyerkules nang madaling-araw sa kahabaan ng General Ordoñez, Brgy. Marikina Heights kung saan binabagtas ng biktima ang highway sakay ng kanyang pulang Suzuki Ride­r nang bumangga ito sa road gutter.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima ng may 2-metro ang layo.

Agad namang rumesponde ang Rescue 161 at dinala ang biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) subalit idineklarang dead-on-arrival. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy