Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bumaboy kay VP Leni niresbakan ni Enchong

0 535

Ang ni-retweet at kunsaan ay nag-comment si Enchong Dee tungkol sa tweet ng hater/basher ni Vice President Leni Robredo ay ni-re-tweet at nagbigay rin ng kanyang comment ang Vice President ng bansa.

Sa profile ng netizen na nag-post kunsaan ang nakalagay na pangalan ay Johnrey Apellido at isang DDS, nakasaad na “Kantotin mo si Leni Tatay Digong para mataohan na yan kulang sa dilig kaya nagig bobo.”

Obviously, bumalik sa kanya ang naging post kaya naglabas ito ng declaimer na hindi siya ang nag-post nito at makiki-cooperate raw siya sa gagawing imbestigasyon.

Sabi naman ni Enchong, “Unfortunately, you will be reminded of this absurd and impulsive statement until you’re alive. Think Before You Click. Good thing @lenirobredo is an honorable and dignified person that she need not to red tag you.”

Napansin at nag-post ng comment ang Bise Presidente sa tweet na ito ni Enchong. Ayon kay V.P. Leni, “Just saw this now. Hindi naman ako nabawasan. Yung nada-damage ng mga ganitong comments ay yung pamilya ng mga taong katulad nito, at yung mga lider na iniidolo nila. Leaders who brings out the worst in people are what our country needs.”

***

SM food to go Banner Ad

Ayaw na sa Manila: Megan, Mikael bet tumira sa isla

Mukhang hindi na lang si Andi Eigenmann ang mamumuhay sa isla. Sa recent post ng Kapuso star at isa sa mga bida ng magbabalik na rin ng GMA Telebabad series na “Love of My Life” na si Mikael Daez, may pahiwatig ito na naghahanap ng malilipatan nilang bahay ng Misis na si Megan Young by 2021.

At tila naiisip din nito ang island life.

Suggestion ng kapatid ni Megan na si Lauren Young, sa La Union daw.

Sabi ni Mikael, matatapos na raw kasi ang lease o renta nila sa kasalukuyang condo unit na tinitirhan kaya kailangan na rin nilang maghanap ng malilipatan.

Sey niya, “2021 is just around the corner! Boneezy and I have been thinking about where to stay as our lease is about to end in our current residence 🙂 Island life was very charming and still something I would love to try out. Maybe a 3-month test run of living on one of the beautiful sandy beaches of the Philippines is our next adventure?! Any suggestions of where we should move to? Extremely reliable and fast internet is a requirement btw.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.