Una sa Balita

‘Bulungan’ ng pork babarahin ni Ping

By
0 407

Nangako si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ipagpapatuloy niya ang paglaban sa pork barrel fund sa oras na isumite sa Senado ang 2020 proposed national budget.

Ayon kay Lacson, walang masama sa mga institutional amendments dahil sa ginagawa ito sa pormal na pagdinig ng committee on finance at sa plenary deliberation pero ang masama aniya ay ang mga insertion na idinadaan sa pabulong lamang.

May ilan umanong isinusulat lang sa tissue paper ang kanilang insertion na nagiging bahagi ng pork barrel fund ng senador o kongresista.

“I will strongly suggest na mawala ang amendment na binubulong lang. Kasi nangyayari bulungan sa amendments kaya pinagkakatiwala sa chairpersons ng bicame­ral conference committee dahil naibulong na nila ang gusto nila,” ani Lacson.

Sa kasagsagan ng diskusyon sa panukalang P3.757 trilyong budget para sa taong 2019, tanging sina Lacson at Senate minority leader Franklin Drilon lamang ang mga naglabas ng listahan ng kani-kanilang individual at institutio­nal amendments.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy