Una sa Balita

Bultong pork skin nasabat sa Laoag

0 287

AABOT sa 340 na kilo ng balat ng baboy ang nakumpiska sa isang bus terminal sa Laoag City noong Biyernes na hinihinalang kontaminado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Laoag City Slaughter House (LCSH).

Ayon kay LCSH officer Shiela Rapatan de Leon, walang kaukulang dokumento ang nasabing pork skin na galing Sampaloc, Manila at ang consignee nito ay isang Alredo Rambaud na taga-Paoay, Ilocos Norte.

Sinabi ni De Leon na agad nilang binuhusan ng disinfectant at krudo bago nila ibinaon ang nasabing balat ng baboy.

Dagdag pa ni De Leon na hindi pa nila nakakausap ang consignee dahil wala umano ito sa Ilocos Norte.

Una rito, iniutos ng provincial government ng Laoag City ang mahigpit na pag-monitor sa mga pumapasok na karne ng baboy sa siyudad para masigurong hindi makapasok ang ASF ­virus sa lalawigan. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy