Una sa Balita

Bultong pinatuyong marijuana, nasabat

By
0 6

SAN GABRIEL, La Union — Tuluy-tuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa pagkalat ng iligal na ­droga matapos masabat ang dalawang lalaking galing ng Laguna at makumpiskahan ng bultu-bultong dried marijuana leaves kamakalawa sa bayang ito.

Kinilala ni P/SInsp. Dominador Apostol II ng San Gabriel Muni­cipal Police station, ang dalawa na sina Paciano James Evangelista at BJ Acuin na taga-Los Baños at Sta. Rosa, Laguna.

Nakatanggap umano ng “tip” ang mga awto­ridad hinggil sa ipupuslit na tatlong malalaking bag na naglalaman ng 27 rolyo ng dried marijuana leaves mula sa Narangay Balbalayang patungo sa Maynila.

Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at nasalubong ang dalawa na nag­lalakad sa gilid ng kalsada dahil walang masak­yang bus.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.