Bulto-bultong armas nasamsam sa negosyante

By

Bulto-bultong iba’t ibang klase ng mga armas ang nakumpiska ng pulisya nang salakayin ang bahay ng isang negosyante kamakalawa sa Davao City.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Emmanuel Carpio ng Office of the Executive Judge, sinalakay ng pulisya sa pangunguna ni Chief Insp. Ronald Lao, hepe ng Talomo Police, ang bahay ng suspek na si Earl Vincent Calma, sa 2BD 5th St., Ecoland Subdivision, Quimpo Blvd., Davao City.

Napag-alaman na matagal nang isinailalim sa surveillance ang suspek matapos makatanggap ng intelligence report ang pulisya na nag-iingat ito ng mga armas sa kanyang tirahan at sa kanyang opisina sa 4th floor ng ACC Bldg., Sandawa Park, Quimpo Blvd.

Sa raid, tumambad sa team ang mga malalaking kahon na naglalaman ng mga armas at bala na kinabibilangan ng dalawang M4 rifle Bushmaster, Baby M16 rifle with one M203, walong piraso ng grenade launchers o M203, umaabot sa 585 live ammunitions ng M16;

543 pirasong bala ng caliber .45; 235 piraso ng live ammunitions ng 9mm; 60 piraso ng mga bala ng M14 rifle, 46 piraso ng live ammunitions ng caliber .22, nasa 16 piraso ng empty short magazines, pitong piraso ng long empty magazines, tatlong piraso ng bandolier ng M16 magazines, mga walang lamang cartridges, pistol belts, pouches at tatlong piraso ng long firearms black bags.

Isinasailalim pa sa masusing imbes­tigasyon ang suspek. 

SHARE