Una sa Balita

‘Bully’

0 499

Para sa tinaguriang ‘Ateneo Bully’ ang kanyang aksyon sa nag-viral na video sa loob ng restroom ng Ateneo Junior High School ang kanyang ginawa ay ‘self defense’ at hindi raw ‘bullying’.

Kuwento niya noong araw na iyon, sinadya siyang tinabig at tinulak ng lalaking nakaaway niya sa rest room. Bago matapos ang klase ay hinamon daw siya ng suntukan.

Ito rin ang salaysay ng isa niyang ka-eskuwela na lumantad rin sa GMA news. Ayon sa kanya, “I JUST WANNA TELL EVERYONE THAT (VICTIM) ISN’T EXACTLY THE PERSON HE IS. HE’s NOT COMPLETELY INNOCENT. HE’s NOT NERD. HE’s NOT A LONER. HE’s NOT SOMEONE WHO’s SUPER DUPER GOOD. AND (BULLY) IS NOT AN EVIL.”

Ayon sa abogado ng kabilang kampo, abala ngayon ang mga magulang ng biktima para sa kanyang pinagdaanan na trauma mula sa nangyari. Umaasa silang matutuldukan ang isyung ito sa tamang forum.

Sa ngayon ay sumasailalim na si Rico sa counseling sa tulong ng isang psychologist.

Humingi na rin ng paumanhin ang kanyang ina, “I would like to apologize for the action of my son. Sa nasaktan niya. Sa school na na-drag man ang  school sa isyung ito…. I apologize. Pero gusto ko ring hingin yung understanding ng tao na bata itong anak ko eh.”

Related Posts

Sana ay maging aral ito sa ating lahat. Ang kaso ng ‘bullying’ ay walang puwang sa kahit saang lugar, bahay, opisina at mga paaralan, pribado man o pampubliko. Ngunit bago humusga, kaila­ngan din na marinig ang magkabilang panig. 

Dahil sa huli, baka tayo pang nakakatanda ang nambu-bully sa bata.

LORD KAYO NA PO ANG BAHALA.

BALITAWIT

ANG TIPO KONG LALAKI (DJ ALVARO)

KAHIT HINDI GUAPO
KAHIT NA DI MATALINO
BASTA’T HINDI KU­RAKOT…
SIYA PA RIN ANG AKING KANDIDATO
ANG KINAKAILA­NGAN MASUNURIN SA LANSANGAN…
HINDI KASKASERO,
SA IBA AY MAY RES­PETO…
KAHIT HINDI GUAPO
KAHIT NA DI MATALINO
BASTA’T HINDI KU­RAKOT…
SIYA PA RIN ANG AKING KANDIDATO…
KAHIT WALANG PERA…
WALANG PAMBILI NG BALOTA…
ANG PLATAPORMA…
AY MALINIS AT PANG-MASA!
KAHIT HINDI GUAPO
KAHIT NA DI MATALINO
BASTA’T HINDI KURAKOT…
SIYA PA RIN ANG AKING KANDIDATO…
AYAW SA PORSYEN­TO…
WALANG KOMISYON SA PROYEKTO..
UNA ANG TAO,
BAGO ANG KANYANG NEGOSYO
KAHIT HINDI GUAPO
KAHIT NA DI MATALINO
BASTA’T HINDI KURAKOT…
SIYA PA RIN ANG AKING KANDIDATO
AYAW KO NA SA SOBRANG  NGAWA..
KULANG NAMAN SA AKSYON AT GAWA
 ANG TIPONG KANDIDATO
ANG TIPONG KANDIDATO
ANG TIPONG KANDIDATO AY YUNG DI BASTOS MAGINOO AT DI SIYA BASTOS
MAGINOO PERO DI SIYA BASTOS
MAGINOO PERO DI SIYA BASTOS
MAGINOO
PERO DI SIYA BASTOS.