Una sa Balita

BULLS-EYE ANG SPURS

0 127

CHICAGO — Luma­gare si Dwyane Wade ng 20 points nang masuwag ng Chicago Bulls ang San Antonio Spurs, 95-91, sa patikim ng una sa huli ng first road loss sa 71st NBA 2016-2017 season elimi­nations, Bi­yernes (Manila time), sa United ­Center dito.

Sumandal ang Bulls sa balanced attack para makalsuhan ang three-game slide at tinapos ang laro na may eight ­players ang mga pumukol ng eight o more points.

Kumabyos si Rajon Rondo sa triple double sa tinapos na 12 points, 10 rebounds at nine assists. May bad shooting night si Jimmy Butler na 4-14 field goals pero naka­tulong pa rin ng 13 points. Naka-12 points each sina Robin Lopez at Taj Gibson.

Minulto ang Spurs ng kanilang 32-point first half performance at ­hindi lumamang sa game. Sinubukan nitong mag-rally sa last quarter pero laging may kasagutan ang Chicago sa magka­bilang dulo.

Humabi si Kawhi Leo­nard ng 24 points, eight rebounds at five assists. Umiskor si Patty Mills ng 16 off the bench. Naka-13 pts. at 10 rebs. si Pau Gasol habang si LaMarcus Aldridge ay may 10 points na may four blocks para sa Spurs na hindi ­kinayang madugtungan pa ang four-game win streak at nabigong mapantayan ang NBA record para sa best road start (14-0 ng Golden State Warriors last season).

Sa Louisiana, tinapos ng Philadelphia 76ers ang 23-game losing streak sa labas, sa pagbulaga sa New Orleans Pelicans, 99-88, sa Smoothie King Center dito.

Lubog ng lima sa break, hinigpitan ng ­Sixers ang defense para malimitahan ang Pelicans sa 5-of 25 shooting sa third pa-12 points. Nag­liyab si Sergio ­Rodriguez sa third nang matanganan ng Philadelphia ang 71-69 makaraan ang three ­periods.

Si Nik Stauskas pagkalipas ang nag-init sa start ng fourth nang ipundar ng Sixers ang 8-point lead, 81-73, 8:31 left. Pero binalikat ni Lance Galloway ang bwelta ng Pelicans na dumikit sa three 85-82 sa 5;49 mark. Na­nalasa ang Philadelphia ng 13-2 blitz, tampok ang triple ni Ersan Ilyasova triple, na tumapos na sa laban sa New Orleans.

Napatigil na rin ng Philadelphia ang 8-game slide at na­dale ang first road game win sa season sa likod ng 23 pts. ni Ilyasova. Nagbakas si Rodriguez ng 16 samantalang sina Joel Embiid at Stauskas ay may 14 a piece. May 5-18 card na ang Sixers.

May 26 pts. at 11 rebs. si Anthony Davis sa panig ng Pelicans, na natikman ang fourth straight game defeat at malaglag sa 7-16. Si Galloway ang ta­ngi pang player para sa New Orleans na naka-double figures sa 19.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy