Bulkang Pinatubo tinaas sa alert level 1

Kasunod ng seismic activity nito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 1 sa Mount Pinatubo.
Batay pa sa Phivolcs, mayroon umanong low-level unrest o bahagyang pagligalig ang bulkan. Mula Enero 20, 2021 naitala rin umano sa Pinatubo Volcano Network ang 1,722 mahihinang lindol sa ilalim ng Bulkang Pinatubo.
Gayunmna, hindi umano namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.
Pinag-iingat din ng ahensya ang mga nagnanais na magtungo sa crater ng Pinatubo. Naglabas na rin ng paalala ang Phivolcs para sa lokal na pamahalaan at mga residente malapit sa bulkan.
“Ang DOST-PHIVOLCS ay patuloy na pinapagtibay ang pagmamanman ng bulkan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga himpilan sa PVN at may dalas na geochemical survey ng Pinatubo Crater, pati na rin ng pagmamanman ng ground deformation gamit ang satellite data,” dagdag pa ng Phivolcs. (Kiko Cueto)