Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bulkang Mayon nag-alboroto, 7 rockfall naitala

0 153

Muling nagparamdam ang Bulkang Mayon nang magtala ito ng pitong rock fall events sa nakalipas na 24 oras mula Linggo hanggang Lunes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, batay na rin sa kanilang 8 am bulletin, kahapon ay naglabas ang Mt. Mayon ng sulfur dioxide (SO2) sa average na 676 tonelada kada araw noong Disyembre 29, 2020. Ang SO2 ang senyal ng pataas na galaw ng magma sa bunganga ng bulkan.
Dahil sa abnormalidad nito’y nananatili ang Alert Level 1.

Pinaalalahan ng Phivolcs ang publiko na bawal pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon, dahil maaari anilang mangyari ang “perennial life-threatening dangers of rockfalls, landslides/avalanches at the middle to upper slope, sudden ash puffs and steam-driven or phreatic eruptions from the summit.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.