Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bulkan sa Indonesia sumambulat, 13 todas

0 189

Pumalo na sa 13 ang patay habang dose-dosena pa ang sugatan nang sumabog ang bulkan sa Java Island, Indonesia nitong Sabado.

Sa report, nakunan pa ng litrato at video ang mga tao habang tumatakbo patakas sa higanteng ulap ng abo mula sa Mt. Semeru.

Makikita ring nalibing ng abo hanggang bubungan ang mga bahay.

Hindi bababa sa 11 nayon sa Lumajang district ang nabalutan ng abo at napilitan ang mga evacuee na sumilong sa mga mosque at makeshift shelter.

Ayon sa ulat, nasa 57 katao ang sugatan, karamihan ay dumanas ng matinding paso dulot ng pagsabog ng bulkan na nagsimula umano lagpas alas-dos ng hapon. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.