Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bulilyaso sa China bakuna, sagot ko- Digong

0 103

Aakuin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sakaling pumalpak o magkaproblema ang mga bakunang bibilhin ng gobyerno para sa mga Pilipino.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang regular na mensahe sa bayan sa harap ng agam-agam ng publiko na magpabakuna dahil sa trauma sa idinulot ng dengvaxia vaccine na ginamit ng nakalipas na administrasyon.

Sinabi ng Pangulo na kung ano ang bibilhing bakuna ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez ay aprubado niya ito dahil naniniwala siya sa kakayahan ng kanyang opisyal.

“Sa lahat ng mga ito kung may bulilyaso iyong sa aming pinili at nine-negotiate ngayon, kung may bulilyaso, at the end of the day, akin talaga yang responsibilidad. Ako ang mananagot nito ,” anang Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng Presidente na siya mismo ang maggagarantiya sa mga Pilipino na mas mahusay ang pinili nilang bakunang ibibigay sa mga tao.

Hindi aniya dapat pagdudahan ang mga bibilhing COVID vaccine sa China dahil nasubok na ang bisa sa kanilang mamamayan.

“Kung ano ang sinabi nina Secretary Duque at Secretary Galvez, is as good as my word too. Ako mismo, ako ang nag-garantiya sa inyo na mas mahusay itong pinili nila , maniwala kayo,” dagdag ng Pangulo.

Nakatakdang dumating sa bansa ang mga bibilhing bakuna mula sa China sa susunod na buwan subalit lumabas sa isang survey na may mga agam-agam ang publiko dahil sa pangambang baka maulit ang naging karanasan sa dengvaxia vaccine laban naman sa dengue.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.