Una sa Balita

Bulanadi nagsabog ng 44 points

0 255

SWAK sa No.4 spot ang San Sebastian College Stags matapos silang akbayan nina Allyn Bulanadi at RK Ilagan sa 99-95 panalo laban sa Perpetual Help Altas sa 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre.

Tumikada si Bulanadi ng 44 points habang 22 ang inambag ni Ilagan upang ilista ang 11-7 record at hindi na dumaan ang Stags sa playoff para sa semifinals.

Dahil sa panalo nagunaw ang asam ng Mapua Cardinals na lumaro sa susunod na phase.

Nawalis ng defending champion San Beda University Red Lions ang 18-game elimination round kaya dumiretso na ito sa finals.

Maglalaban naman sa stepladder ang San Sebastian at no. 3 na Letran Knights, ang mananalo ay haharapin ang last year’s runner-up at no. 2 seed na Lyceum of the Philippines Pirates.

Hinawakan agad ng Stags ang nine-point lead sa first canto, 27-18, subalit natapyasan ito sa apat, 48-44, sa halftime.

Sa ikalawang laro, humarurot si Yankie Haruna ng 13 points upang akbayan ang College of Saint Benilde Blazers sa 68-62 panalo laban sa Mapua Cardinals.

Laglag sa top four ang Blazers pero kahit paano ay maganda ang pagtatapos ng kanilang season dahil nagtala sila ng back-to-back wins at ilista ang 9-9 karta.

Sa third game, kumayod ng 21 points si Ry Dela Rosa upang wakasan ang anim na sunod na talo ng JRU sa bisa ng 77-73 triumph sa host Arellano Chiefs.

Bukod kay Dela Roas, kumana din ng tig-13 puntos sina Agem Miranda at Thomas Vaquez para sa JRU. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy