Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bulalakaw nag-landing sa unan ni lola

0 114

Isang babae ang bigla na lang nagising dahil sa pagbagsak ng isang bato sa kanyang unan habang siya ay natutulog sa kanyang bahay sa British Columbia sa Canada.

Si Ruth Hamilton, 66, ay nagising dahil sa pagkahol ng kanyang aso na sinundan ng malakas na pagsabog mula sa kanyang bubong alas-11:35 ng gabi.

Nakita niya na may butas ang kanyang kisame kung saan lumusot ang isang tipak ng bato.

Related Posts

Kaagad itong tumawag sa 911 at nang dumating ang mga imbestigador ay doon niya nalaman na ang nasa 2.8 pound na bato na sinlaki ng melon ay isang meteorite.

Lumagpak ito sa pagitan ng kanyang dalawang unan at halos ilang inches lamang ang layo sa kanyang mukha.

Una ay inakala na galing sa katabing construction ang bato subalit itinanggi ng mga workers na nagsagawa sila ng blasting at sa halip ay may nakita umano silang isang maliwanag na bagay na bumulusok bago nakarinig ng pagsabog.

Kunimpirma naman ng mga eksperto mula sa Western University in London, Ontario na bulalakaw nga ang bumagsak. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.