Una sa Balita

Bulaklak ni Marian ibinenta ni Dingdong

0 571

abante-i-know-better-jun-nardoWalang bayad ang pagi­ging modelo ni Dingdong Dantes ng flower business ng asawang si Marian Rivera, ang FloraVida. Ayon sa post ni Dingdong sa kanyang Instagram kung saan hawak niya ang isa sa arrangement ni Yan, regalo niya sa asawa nga­yong Valentine’s Day ang pagiging endorser ng negosyo niya.

“Since she runs a passion business called @floravidabymarian, and arranges­ these preserved blooms herself, what else could I give?

“So there, I guess nothing beats the labor of love agreeing to model for “The One – Flora Vida’s February offering for this season. I am so proud of how much love and dedication she has put into sharing so much positivity using her humble creations,” caption ni Dong.

“I love you!!!” komento ni Yan sa post ng asawa.

Katawan ni Jennylyn pangromansa na, pang-marathon pa

Mag-isang nagtatampisaw sa dagat si Jennylyn Mercado kaya naman malayang-malaya siyang naglantad ng kaseksihan sa beach na ibinalandra niya sa kanyang Intagram nitong nakaraang mga araw.

Aba, wala pa ring kupas ang pagi­ging hot mama ni Jen sa suot niyang one-piece black swimsuit na talaga namang kalaway-laway pa rin!

Wala pang binanggit si Jen kung bakit siya nasa beach. May foto rin siya na tumakbo sa dalampasigan. Gaya ng nasulat namin dito, nagha­handa si Jennylyn sa marathon na sasalihan niya sa ibang bansa.

Sa totoo lang, achieve na achieve niya ang katawang pangromansa na eh pang-marathon pa, huh!

Tulong sa panlibing kay Pepe Smith, hiling ng mga anak

Nangangailangan ng tulong ang pamilya ng yumaong rock singer na si Pepe Smith para sa kanyang memorial service. Namatay nitong nakaraang araw ang OPM legend sa edad na 71.

Sa panawagan ng official crowdfun­ding page, isang fundraising page ang isinagawa ng pamilya para mag-donate ang kaibigan, fans at kahit hindi kila­lang tao.

Ayon sa page, P300,000 ang kaila­ngan para sa memorial service, funeral at burial site ng singer. Dagdag nito, halos 23% ng perang kailangan ay may nagbigay na.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy