Una sa Balita

‘Bulaklak’ ni Kim mabango, sariwa

By
0 4,717

Kuyog ang mga nagmamahal kay Kim Chiu sa mga basher na nagsabing hindi dapat nag-post ng naka-2 piece ang aktres sa Instagram account niya. Kuha nga ang photo na ‘yon sa Hawaii, nu’ng nag-show (ASAP) sila ng mga Kapamilya.

Kesyo wala raw hubog ang katawan ni Kim. Na dapat ay wholesome lang ito at huwag nang tumulad kina Maja Salvador, Bela Padilla, na walang ginawa kundi ilantad ang kanilang katawan sa social media.

Pero kung ang mga taga-showbiz ang tatanungin, punong-puno ng karapatan si Kim sa paglalantad ng kaseksihan niya.

Sabi nga ni Megan Young, “Fresh na fresh!” ang dalaga. Napatili naman si Miles Ocampo sa photo na ‘yon ni Kim, sabay sabi na, “Grabe naman po si Miss Kimmy!” Puring-puri rin ni Roxanne Guinoo ang kaseksihan ni Kim, na sobrang sariwa nga kasi. Ganda ni Baby Girl!” say pa ni Roxanne.

At hirit naman ng kaibigan ni Kim na si @theoscarbrad, “Lumalaban na, ha!”

“Hanggang diyan lang ang kaya ko! Side view! Hahahahaha!” sagot ni Kim.

‘Yun na, hindi pa kayang ipakita ni Kim ang umbok at cleavage niya, kaya side view na lang muna.

Heto pa ang chika ng mga fan kay Kim:

@edchell, “I disagree. May laman na si Kim ngayon compared dati. Dati payat talaga sya ka-level nya sa kapayatan sina Toni at Alex but ngayon may laman na konti which is good.”

@joan_tarrayo, “Ang ganda mo Ate Kim.”

@kwonmeetchuy, “Nai-imagine ko yung tawa ni Kim!”

@drop_r_11, “Your killer smile.”

@ayymee040718, “Gwapa kang bayhana.”

@iambazooka, “Ay pang lavan ka dito mamsi!! Mag vlog na tayo ng swimsuits!”

Anyway, pinaglaruan din ng netizen ang bulaklak ni Kim, ha! I mean, ang bulaklak na hawak niya na ginamit niyang props, para mas ma-enhance ang ganda ng picture. Sariwang-sariwa at namumukadkad nga kasi at mabangong-mabango raw kung i-describe ng mga fan ang bulaklak na hawak ni Kim.