Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bulakenyo chef ipinakilala sa Italy mga pagkaing tatak Noypi

0 83

Patok ngayon sa Europa ang mga pagkaing nakagisnan ng pamilyang Pinoy dahil sa Filipino chef na nagdala at nagpatikim nito sa mga Italyano sa Sicily region.

Tubong-Bulacan ang chef na si Morris Danzen na ginawang fusion ang Pinoy at Italian flavor sa kanyang mga lutong pagkain na nilantakan ng mga taga-Italya sa kanyang trattoria na La Bottega Fusion Cuisine. ‘Trattoria’ ang naging tawag sa mga Italian resto sa kanilang bansa.

Mula sa pagiging isang tradisyunal na trattoria ay nag-serve na ang kanilang restaurant ng mga pagkain Pinoy na may European twist, na naging patok sa Italy.

Dahil din sa kanyang galing nagwagi si Danzen sa Gino Cerca Chef, isang televised cooking contest sa Italya. Isa sa mga sikreto niya ang pagkamalikhain at pag-eeksperimento sa iba’t ibang flavor.

Ilan sa mga ipinagmamalaking putahe ni Danzen ay ang kanyang bersyon ng ensaladang talong. Matapos ihawin ay nilagyan niya ito ng anchovies, kamatis at ang puree nito. Ginamitan rin niya ito ng rice paper sa upang ipakita ang tradisyunal na pagkain natin ng kanin.

Naging technique rin ni Danzen sa pagluluto ang paraan ng mga Pinoy sa pagma-marinate ng pagkain. Sa kanyang barbecued monkfish recipe, naging inspirasyon niya ang Philippine barbecue at ang paraan ng pag-marinate dito. Sinamahan niya ito ng tomato salad sa pag-serve.

Patok rin sa mga mga Italyano ang kanyang recipe ng leche flan with ube sponge cake at ang kanyang bersyon ng Sinuglaw. Pinagsamang sinugba at kinilaw na karne ng tuna ang Sinuglaw.

Ilan lamang ‘yan sa mga namayagpag na putahe na inihain ng winner chef natin mula Bulacan sa mesa ng mga taga-Italya! Pinoy pride talaga! (Chris Jovillanos De Luna)

Leave A Reply

Your email address will not be published.