Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bulakenya inampon lampas 60 asong kalye, pusa

0 104

Kahit tutol ang kanyang pamilya ay nanaig pa rin ang awa ng isang babae sa mga aso at pusa na pinabayaan na sa kalye kaya naman dinala niya ang mga ito at inaruga sa kanyang bahay sa Paombong, Bulacan.

Kuwento ni Jackielyn Tanghal sa programang ‘On Record’, umabot na sa 61 aso at pusa ang kanyang alaga matapos simulan ang kanyang pag-aampon taong 2013.

Una raw ay pinapakain lang niya ang mga stray cat at stray dog kapag nadadaanan niya sa kalsada pero hindi niya natitiis kapag nakikita nang may pinsala ang mga ito sa katawan.

“Una pinapakain ko lang sila, tapos pagka nadaanan ko ulit sila, minsan ‘yung iba pilay na, may sugat, may banli sa katawan. Hindi na po ako makatiis. Ang ginagawa ko po, inuuwi ko na sila, kinukuha ko sila isa-isa,” aniya.

“Matigas po ako, pinaglalaban ko po sila, ‘Hindi dito lang sila sa akin.’ Hanggang sa unti-unti natanggap na rin nila [pamilya niya] na hindi ko talaga kayang bitawan ang mga alaga ko,” sambit niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pamamagitan daw ng negosyo niyang samgyupsal kumukuha ng panggastos si Tanghal para sa mga alaga niya na umaabot sa P700 hanggang P800 kada araw.

Nasubukan na aniya niyang ipaampon ang mga alaga pero sa bandang huli ay binabawi niya dahil hindi naman daw inaalagaan nang maayos ng mga pinagbigyan niya.

Kaya naman nanawagan siya ng tulong sa mga netizen para sa panggastos sa mga alaga niya dahil kinapos daw siya nang maoperahan ang isa sa kanyang aso matapos manganak na caesarean kung saan P11,000 ang nagastos niya.

Laking pasasalamat ni Jackielyn na matapos mag-viral ang post niya sa Facebook ay inulan siya ng mga blessing para sa kanyang mga alaga. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.