Una sa Balita

Bulacan tinaga sa tubig ni Villar

0 5,286

HINARANG ng Commission on Audit (COA) ang mga butas ng joint venture agreement sa pagitan ng Prime Water na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Manny Villar at ng Marilao Water District.

Isa sa kinuwestyon ng COA ay kung bakit papatawan pa ng value added tax (VAT) ang mga kostumer ng tubig gayong pinapasan na nila ang franchise tax. Ang hakbang na ito ay magtataas sa bayarin ng mga kostumer.

Sa annual audit report ng COA, tinukoy dito ang P50 milyong lugi, kulang na performance bond ng Prime Water, mga butas sa JV agreement at kawalan ng insurance.

Ang Prime Water ay lumagda sa water supply and septage management system sa Marilao Water District noong Oktubre 2017 at nagsimula sila ng operasyon noong Enero 2018.

Sa unang taon ng kanilang operasyon, ni-report ng Prime Water ang distribution loss o non-revenue water na 36.12%, mataas sa maximum acceptable level na 30%. Nagresulta ito sa “income opportunity lost by the district” sa halagang P50.505 milyon.

Kinuwestyon ng COA ang tatlong probisyon ng JV na hindi akma sa mga umiiral na batas at kulang sa guidelines. Ito ay ang pagpapataw ng VAT sa mga residente ng Marilao kahit pinapatawan na sila ng franchise tax.

Pangalawa ay ang taunang pagsusumite ng financial report na dapat sanang gawin ng buwanan. At pangatlo ay ang hindi pag­lalagay ng probisyon na ang JV ay kailangang dumaan sa audit examination.

Dahil sa mga butas na ito, magreresulta ito ng karagdagang bayarin ng mga kostumer. Mahihirapan din umano ang COA sa kanilang ‘visitorial powers’ at pagmo-monitor sakaling magkaroon ng underperformance.

Nangako naman ang Prime Water na ayusin ang mga inungkat ng COA, kasabay ng pakikipagtulu­ngan at dayalogo sa Office of the President, NEDA, Local Water Utilities Administration, Bureau of Internal Revenue, Department of Justice, Department of Budget and Management at Civil Service Commission

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy