Una sa Balita

Bulacan, Pampanga iiwang lubog ni Rosita

By
0 327

NGAYON pa lamang ay pinaghahanda na ng Phi­lippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga residente ng Pampanga at Bulacan sa posibleng pagbaha sa lalawigan kahit pa man makalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Rosita.

Sinabi ni Pagasa hydrologist Richard Orendain na ang ulan na bumagsak sa Nueva Ecija ay dadaloy sa Pampanga River.

“It will take days before such rain flowing over land reaches the Pampanga Ri­ver, which traverses Nueva Ecija, Pampanga and Bulacan, raising the possibility of flooding in Pampanga and Bulacan,” paliwanag ni Orendain.
Sa ngayon umano ay apaw na ang Pampanga River na may problema pa sa drainage kaya asahan na ang pag-overflow ng tubig na magdudulot ng pagbaha sa mga lugar sa paligid nito.

Ang unang babahain umano ay ang Can­daba, San Luis, San Simon, Apalit, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Macabebe, Masantol na pawang nasa mababang lugar sa paligid ng Angat River.

Sa kasalukuyan ay humina na at nakalabas na ng landmass at patungo na sa direksyon sa West Phi­lippine Sea ang bagyong Rosita, ayon sa Pagasa.

Dahil malayo na ito sa landmass ay mas mabilis itong makalalabas ng PAR sa Miyerkoles nang hapon.(Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy