Una sa Balita

Bulacan ‘lie low’ sa drug ops

By
0 226

Asahang mababawa­san ang madugong drug operation ng kapulisan sa Bulacan makaraan ang pagkakapatay sa 32 ­tulak ng droga sa 24-oras na operasyon dahil mas tututukan ngayon ng awto­ridad ang pagdampot sa mga tulak at adik sa probinsya.

Sa impormasyong nakalap ng Abante, mas pala­lakasin ngayon ng Bulacan PNP (Philippine National Police) ang kanilang kampanya sa pagdakip sa mga pusher at drug addict sa tatlong siyudad at 21 munisipalidad at iiwasang mauwi sa madugong engkuwentro ang operasyon sa 569 barangay sa lalawigan.

Ang Bulacan PNP ang nangunguna kung accomplishment sa dami ng napatay sa legitimate drugs ope­ration, nadakip na ­pusher at napasuko sa Oplan Tokhang hindi lamang sa Central Luzon ­kundi maging sa buong bansa ngunit hindi nasangkot sa anumang kontrobersya dahil sa pruwebang kumakasa ang tulak sa Bulacan.

Mula noong Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan ay mahigit 500 pusher ang napatay ng Bulacan PNP sa buy-bust operation at hindi pa kasama dito ang daang biktima ng extrajudicial killings o EJK na sinasabing kagagawan ng vigilante group ngunit iginigiit ng ilang pamilya ng mga biktima na kagagawan din ng kapulisan.

Nagsagawa kahapon ng ekslusibong kumperensya ang Bulacan PNP sa San Jose del Monte (SJDM) City at hindi inaalis na posibleng nagpaalam na si P/Chief Supt. Aaron N. Aquino, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3) na nakatakdang umupo bilang Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More