Una sa Balita

Bukod sa ngakngak, Green mas aasahan

0 265

MAS malaking role na ang kailangang gampanan ni Draymond Green sa Golden State Warriors ngayong 2019-20 season.

Wala nang Kevin Durant at Andre Iguodala, nagpapagaling pa mula injury si Klay Thompson.

Mula November hanggang late February o early March na inaasahang balik ni Thompson, si Green muna ang pangunahing ka-tandem ni Steph Curry.

Bukod sa kanyang depensa at maingay na bunganga, kailangang ilabas ni Green ang power sa scoring.

Dati ay facilitator siya, madalas kinukuha ang bola sa midcourt o sa tuktok.

Didiskarte, hahanapin noon si Durant na iiskor, o hihintaying ma-open sa pick si Curry o si Thompson.

Kaya naman ni Green, napatunayan na niya noon na kung kinakailangan ay iiskor din siya.

Sa mga off-nights ng Splash Brothers, halos mag-triple-double siya.

Hindi pa puwedeng i-scratch sa Western Conference ang Warriors lalo kung magagampanan ni Green ang bago niyang papel. At kung magagamay agad ng bagong saltang si D’Angelo Russell ang maglaro sa tabi ni Curry. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy