Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buking sa TikTok: Kyle pabaya kay Francine Andrea hindi talaga bet ni Seth

0 158

Mula nang mag-unfollow sa isa’t isa sina Francine Diaz at Andrea Brillantes at nagti-trending ang tila love triangle nila with Seth Fedelin na hindi na lang pang-serye, kung hindi in real-life rin, ang daming naglalabasan ngayon na mga TikTok video mula sa kanilang mga fan.

Mga snaps na dahil seconds lang ang itinatagal at ipinapakita, madali talagang magkaroon ng impression na si Seth, si Francine talaga ang totoong gusto over Andrea, huh!

May video pa nga na kahit kasabay at ka-holding hands ni Francine si Kyle Echarri at sina Seth at Andrea ang magkasabay, itong si Seth, tumabi kay Francine at naiwan sa likod si Andrea.

Kung pagbabasehan lang ang mga short video na pino-post ng mga fan at pwedeng sabihin na “evidence” kung sino raw talaga ang totoong gusto ni Seth, pwedeng isipin na noon pa, tila may “selos” na si Andrea kay Francine, huh!

Kaloka ang mga bagets!

Anyway, more TikTok video pa nga tungkol sa Gold Squad.

Iba naman ang issue ng mga fan kay Kyle sa ilang TikTok video na napanood namin. Against sila kay Kyle dahil tingin daw nila ay “ungentleman” ito kay Francine.

Ay naku, si Seth lang ang makakapagbigay linaw kung ano na talaga ang totoong namamagitan sa kanilang tatlo. ‘Yun nga lang, may mga fan din na feeling nila, pang-on-cam at trabaho lang daw talaga si Andrea para kay Seth.

Miguel, Gabbi dedma kina Ruru, Bianca

Nilunsad na ang unang batch ng “Sparkle” ng GMA Artist Center along with Mr. M o Johnny Manahan na siyang obviously, in-charge para mas magkaroon at magpatuloy ang ningning ng walong Sparkle artists.

Sila ang pinaniniwalaan na mag-i-sparkle pa talaga. Sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali at Ysabel Ortega. Gayundin sina Derrick Monasterio, Ruru Madrid, Khalil Ramos at Miguel Tanfelix.

Lahat sila ay may mga ginawa na at kasalukuyang ginagawa na siguradong magpapa-sparkle pa sa kanila. Katulad na lang ni Bianca na bukod sa international series niyang “Halfworlds,” magbibida rin sa next installment ng “Mano Po.” Si Sanya naman, talagang naging household name sa My First Yaya na ngayo at My First Lady na. Same goes with Gabbi na pinapangatawanan ang pagiging Millennial It Girl at finally, magla-lock-in na rin sila ni Khalil para sa naudlot nilang primetime series. At si Ysabel na aabangan sa Voltes V.

Sa mga lalaki, si Ruru ay bida sa isa sa pinakamalaking fantaserye ng GMA-7, ang “Lolong.” Si Derrick naman, ever since ay ‘di nababakante at isa sa pinagkakatiwalaan ng network. At si Miguel na tulad ni Ysabel, aabangan din sa Voltes V at sa kakahinatnan ng namumuong “something” sa pagitan nilang dalawa.

Sa totoo lang, though obvious naman na na naka-move-on na ang mga dating mag-sweethearts na magkakasama sa unang batch ng Sparkle na sina Bianca at Miguel, Ruru at Gabbi, pero parang kami ang medyo na-awkward dahil mga exes at present talaga ang magkakasama, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.