Una sa Balita

Buking sa quarantine: Magdyowang aktor, aktres magka-live in na

By
0 4,727

Hindi man aminin ng isang showbiz sweetheart, pero may mga nakakapansin na mukhang magkasama silang dalawa sa bahay ng actor ngayong enhanced community quarantine.

Kaya tingin ng mga followers nila, “live-in” na ang set-up ng showbiz sweetheart na ito. Kabaligtaran naman kay Kris Bernal.

In fairness kay Kris, kahit na engaged na ito sa non-showbiz boyfriend niya, nakatira pa rin sila sa kanya-kanyang bahay kasama ang pamilya.

At kung meron man daw kasi siyang gagawin kapag natapos na ang enhanced community quarantine at safe na muli na lumabas at maki-mingle sa iba, ang makita raw ang fiancee niya ang una niyang gagawin.

“To see my fiancee,” sey niya.

Hindi na raw sila nagkikita at kahit ang Korean restaurant nila na House of Gogi ay sarado na rin daw muna para sa safety rin ng mga staff nila.

Sumusunod daw sila ng boyfriend niya sa enhanced community quarantine at social distancing.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More