Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buking ni Lacson! TUPAD laspag sa mga politiko ngayong eleksiyon

0 265

Inihayag ni presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na ilang kandidato sa eleksiyon 2022 ang ginagamit ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers na programa para sa mga nawalan ng trabaho sa pandemya.

“We are getting our feedback from the mayors who are sympathetic, who are supportive,” sabi ni Lacson sa panayam sa ANC.

“Sinasabi nila, nagpapaalam ang iba kasi kung hindi sila magko-contribute ng constituents nila kasama ang mga sasakyan eh hindi sila mabibigyan ng TUPAD,” dagdag nito.

Sabi ni Lacson, hinikayat niya ang kanyang mga supporter na sumali sa naturang aktibidad dahil ang pondong ginagamit sa programa ay taxpayer’s money.

“Sabi ko e sumama na lang kayo kasi pera naman nating lahat ‘yan, pera naman ninyo. ‘Yan sabihin mo sa mga supporters natin diyan sumama na lang sila para makatanggap sila ng TUPAD kung ganon ang laro,” sabi ni Lacson.

Ang TUPAD ay assistance program na nagbibigay ng emergency employment sa mga displaced worker, underemployed at seasonal worker sa minimum period na 10 araw subalit hindi lalagpas ng 30 araw. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.