Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buking ni Alden: Bea mainitin ang ulo

0 303

Nasubok nang husto ang compatibility nina Alden Richards, Bea Alonzo sa pagtatambal nila sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up.

Sa naturang teleserye, gumaganap si Alden bilang si Good Boy at si Bea naman ay si Dani. Sa original Koreanovela, ang lead star ay si Bae Suzy plays Dal Mi at Kim Seon Ho portrays Han Ji Pyeong or Good Boy.

Tungkol sa young entrepreneurs dreaming and working para maging successful ang pinakakuwento ng Start-Up.

Dahil matagal na silang nagkakasama sa taping, nadiskubre ni Alden na pareho pala sila ni Bea na may OCD o ‘yung masyadong organized sa lahat ng bagay.

“Organized din kasi sa bahay si Bea, eh. One of the things in common with us, parehas kaming may OCD. Gusto maayos, malinis ‘yung bahay, especially ayaw niyang nagagalaw ‘yung mga gamit na naayos na niya,” sey ni Alden.

Sumang-ayon naman si Bea: “Oo, umiinit ang ulo ko kapag marumi ang bahay, hindi ako makapag-isip nang tama.”

Pareho rin daw sila ni Bea na mas ginagawang priority parati ang pamilya. Gusto nilang laging nakikitang masaya ang kanilang pamilya.

Sey ni Alden: “When it comes to family, nako-compromise ang family or any issues within the family, I see how si B takes care of her family. If something’s wrong with family, I think ‘yun ang mga nagpapalungkot kay Bea. And that’s what we share in common.”

Sey ni Bea: “Oo tama. Kaya natutuwa nga ako na kinukuwento ni Alden na lagi pa rin siyang umuuwi sa Laguna. Kasi ako rin lagi rin akong umuuwi sa Zambales.”

Kasama rin sa cast ng Start-Up PH ay sina Gina Alajar, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Lovely Rivero, Gabby Eigenmann, Ayen Munji-Laurel, Jackie Lou Blanco, Kevin Santos, and Jojo Alejar. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.