Una sa Balita

Bukidnon FA overall champ sa Luzon Cup

0 285

TINALO ng Bukidnon Football ­Association ang One La Salle, 2-0, upang ­tanghaling overall champion sa first Luzon Cup ­Under 12 Football Tournament na ­inorganisa ng Negros Occidental ­Football ­Association (NOFA) katuwang ang ­Central Luzon Football Association, Philippine Sports Commission (PSC), Department of ­Education-Tarlac at provincial and city governments ng Tarlac.

Ginanap nitong Nobyembre 22-24 sa Jose V. Yap Sports and Recreational Complex sa San Jose, Tarlac, ang Luzon Cup ay pangatlo sa mga serye ng football tournament ng NOFA para sa Under-12/Under-13 boys.

Ang unang dalawang torneo na NOFA Cup ay isinagawa nitong summer, habang ang pangalawang event na Mindanao Cup ay tumikada nitong Oktubre.

Kampeon din ang Bukidnon FA sa ­Mindanao Cup, na nagbigay ng ng silya sa Luzon Cup.

Kabilang din sa mga nagwagi sa ­Luzon Cup First Division (Cup) ang One La Salle Salle (first runner-up); Rizal ­Football Association Quezon City (­second runner-up) at Masbate Football ­Association (third runner-up).

Samantala, kuha ng Cordillera Football Association-Baguio ang Division 1 Plate Championship, habang ang Central Bicol Regional Football Association ay first runner-up; Laguna Football Association (second runner-up) at Youth Football Academy Muntinlupa (third runner-up).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More