Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Bukas’

0 232

Halos isang buwan na lang ay Pasko na.

Kung lubos nang magbubukas ang mga pamilihan ay tiyak na may mga produkto na may “red tag”.

Ibig sabihin nito ay “sale”. Minamarkahan ng kulay pula ang anomang produkto bilang pang-engganya sa mga shopper dahil ito ay mura lamang mabibili.

Sa panahon ng social media ay pinauso naman ang “hashtag”.

Ang hashtag ay isang tatak para sa content (nilalaman) sa Twitter o Instagram.

Ginagamit ito para makita ng mga netizen ang parehong content nang mas mabilis.

Madaling hanapin ang isang topic o theme kung may hashtag.

Naalala ko rin nang kainitan pa ng Meteor Garden (2001) ay kilala rin ang red card bilang tanda na ayaw ka ng F4.

Nakasulat sa parang matigas na sobre na kulay pula ang mga salitang “You’ll be dead!”

‘Pag ‘di ka gusto ng F4, na mga anak ng mga maimpluwensyang tao sa Taiwan, ay malamang mapatalsik ka sa paaralan nila at pagtutulungan ka nila hanggang mahirapan.

Kung may tagging pa ngayon ay tila nabubuhay tayo muli sa panahon na labis ang #stereotyping.

Halimbawa, noong unang panahon, ay may stereotyping kung sasabihin na ang mga babae ay para lamang sa kusina o tagapag-alaga ng mga anak.

Ayon sa online dictionary, ang stereotyping ay nangyayari “any time one groups races or individuals together and make a judgment about them without knowing them. Racial remarks, sexual remarks, and gender remarks are the biggest stereotypes”.

Ang #labelling o #typecasting ay nakasasakit at ito ay mali.

Nakabababa ito ng pagtingin ng tao sa kanyang sarili matapos syang i-tag.

Kinokontrol ng perception na ito ang maaaring marating ng isang tao o lipunan at kanyang papel na gagampanan sa hinaharap.

Dahilan din ito kung bakit sa eskuwelahan ay nagiging biktima ng bullying ang ating mga anak.

Nagiging tampulan kasi ng tukso ang mga bata dahil sa mura rin nilang isip ay natuto na ang mga bully ng mga stereotype.

Halimbawa, kung ang batang lalake ay malamyang kumilos, lolokohin s’ya na ‘di tunay na lalaki.

At ang mga mahilig namang mag-label ay lumiliit ang mundo.

Sila ay ‘di masaya sapagkat may judgment na sila sa mga tao o bagay sa kanilang paligid na iniiwasan nila na makahalubilo o maranasan.

Galit din sila sa kanilang sarili dahil kung may ikinukubli sila dahil sa takot na ma-tag ay mamumuhay na lamang sila sa isang tabi na walang pagtanggap sa kanilang likas na pagkatao.

Kaya parehong talo ang nambibibiktima at nabibiktima ng #tagging.

SM food to go Banner Ad

“Stereotypes are often confused with prejudices, because, like prejudices, a stereotype is based on a prior assumption”.

Kaya negatibo ang stereotyping at dapat nang kalimutan ng modernong sangkatauhan.

Kumbaga ay “#jurassic” na ito at nalipasan na ng panahon.

Ayon kay Thomas Friedman sa kanyang sinulat na “The World is Flat” (2005), dama na ang pagbabago sa anomang aspeto ng lipunan tulad ng politika at ekonomiya.

Wasak na daw ang dati nang naghaharing kaisipan tulad ng bilog ang mundo kaya ginamit nya ang talinghaga na ang mundo ay patag.

Malaya na daw lahat makipagkalakalan at makipag-ugnayan ang bawat isa at magkaroon ng #perceptual shift ang mga tao, negosyo, organisasyon at bansa.

Paurong at matatalo daw ang ‘di bukas ang isip kasama ang ‘di mga bumubukas ang bibig para ipamahagi ang kanilang alam at karanasan.

Nabasa ko ang anunsyo ng Asian Institute of Management ukol sa kanilang #Future’s Thinking webinar na akma sa Pilipinas lalo na ngayon.

Tinawag nila itong “Bukas: Exploring Filipino-centric Futures”.

Ang salitang “bukas” ay nangangahulugan na “tomorrow” at “open”.

Ang bukas ay naglalarawan sa isang bansa na puno ng mabubuting pagkakataon o opportunities.

Bukas din ang ibig ipahiwatig kung ang mga tao ay bukas na tanggapin ang kasalukuyan at nais na makita ang hinaharap.

Ang bansang malaya ay bansang sumusunod sa batas.

Tanda ito ng paggalang sa karapatan ng tao na walang nasasaktan o naaapakan na kalayaan ng iba, anomang uri ito.

Ang malayang pamamahayag, komunikasyon o pakikipagtalastasan ay nananatiling tanda ng malusog na demokrasya.

Kaya sana ay nag-isip-isip rin ang isang opisyal ng pamahalaan na tawagin ang

Development Communication (DevCom) na “cute”, “archaic”, at “old-fashioned”.

Sagot ng mga akademiko, relevant o may kaugnayan o napapanahon ito dahil ‘di naman nauubos ang usaping panlipunan sa araw-araw.

Hanggang sa kanayunan ay may mga bahagi nang naaabot ng internet kaya kailangan ang DevCom.

Dapat daw malaman ng nakararaming Pilipino ang mga kaganapan lalo na sa politika at nagbabagong kultura ng bansa.

Wala daw maikukubli kung ang paghahatid ng tunay na kalagayan ng bansa ay gagampanan ng gobyerno, eskwelahan at negosyo.

Nagtuturo ang komunikasyon ng kamalayan at ito ay lubos na kailangan sa ating buhay lalo pa sa mga Millennial.

Sinabi naman ni Philippine Information Agency Director-General Ramon Cualoping: “… communication is democratized because of the internet where everyone is empowered to create their own content.” Dagdag pa n’ya, “The goal is to develop the grassroots customized communication per area”.

Kaya maging bukas sana tayo sa pananaw ng bawat isa at ‘iwasang busalan ang bibig ng mga nais na makibahagi sa tunay na pagbabago at sa magandang bukas.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.