Una sa Balita

‘Build, Build, Build’ equals ‘Jobs, Jobs, Jobs’

By
0 1,713
Bahagi po ng “Build, Build, Build” Pro­ject ng gobyerno ang dalawang malala­king proyektong pang-imprastrukturang inumpisahan ngayong Enero – ang Tutuban-Malolos Railway at ang New Clark City.
 
Ilang dekada na po ang nakaraan mula nang huling bumiyahe ang tren na pinatatakbo ng Philippine National Railways (PNR) mula Ferrocaril, Manila.
 
Binabagtas nito ang limang istasyon sa Bulacan, ­mula Meycauyan hanggang Calumpit, patungong Dagupan, Pangasinan. Sa katunayan, makikita pa rin po hanggang nga­yon ang mga lumang istasyon sa Bulacan.
 
Sa tulong po ng $1.99-bilyong dolyar na loan deal natin sa ­Japan na nilagdaan noong 2015, bubuhayin po ang tren na ito sa pamamagitan ng North-South Commuter Rail Project. Babagtasin ng tren ang rutang Tutuban-Malolos. 
 
Importante po ang 38-kilometrong riles para sa mga manggagawa, mangangalakal, tu­rista at mga estudyante lalo na sa mga taga-Bulacan. Kapag umarangkada na ang tren, ang dating mahigit dala­wang oras na biyahe mula Maynila hanggang Malolos ay magiging 35-minuto na lamang. 
 
Ang tipid na oras sa biyahe ay dagdag na oras na pwedeng gamitin ­para magtrabaho at kumita, mag-aral, makapagpahi­nga, o gugulin sa piling ng pamilya. 
 
Samantala, ang New Clark City na itatayo sa loob ng Clark Special Economic Zone sa Capas, Tarlac naman ang magiging bagong urban growth center. Ito rin ang magiging bagong National Government Administrative Center.
 
Dito dadalhin ang mga ahensiya at opisina ng ating gobyerno para paluwagin ang Maynila. Sadyang kailangan natin ang mga bagong urban growth centers para umusbong ang mga negosyo at trabaho sa labas ng Maynila upang matiyak natin ang inclusive growth o kaunlarang panlahat. 
 
Kapag natapos ang New Clark City na may lawak na 200 ektarya, may bersyon na po tayo ng Putrajaya, ang Fede­ral Government Center ng Malaysia at Sejong City na Special Administrative District ng South Korea – palatandaan ng kaunlaran at kaayusan dito sa ating bayan.
 
Ito po ang dahilan kung kaya’t suportado natin ang mga programang pang-imprastruktura ng pamahalaan sapagkat nakasalalay po rito ang pagdami ng trabaho sa bansa. Tumpak pong sabihing “BUILD, BUILD, BUILD” EQUALS “JOBS, JOBS, JOBS”. 
 
*** 
 
Job Opening sa PhilJobNet
 
Narito po ang bilang ng mga job vacancy mula sa PhilJobNet kung saan makakapag-apply din kayo online. Ilan lamang po ito sa 8,354 job opening ngayong linggo mula sa 2,382 kumpanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
 
Call Center Agent – 1,900
Salesman – 779
Cashier – 525
Waiter – 310
Heavy Equipment Operator – 303
Job Fair Schedule 
PESO Cabanatuan City Job Fair
Robinson’s Townville, Cabanatuan City, Nueva Ecija
January 30