Pacquiao vs Khan fight

BUHAY PA!

By

New York — Buhay pa ang Manny Pacquiao vs Amir Khan fight.

Matapos ideklarang­ ‘deal dead’ na ang ­nasabing ­laban, hindi pa rin iniitsapuwera ni Top Rank CEO Bob Arum si Khan bilang posibleng makasagupa ni Pacquiao.

“There’s Amir Khan, he’s a possibility if we can put something in the Middle East,” komento ni Arum sa panayam ng Abante at Philboxing, hinggil sa listahan ng mga posibleng sagupain ng Pambansang Kamao.

Ang pangalan nina welterweight contender Jeff Horn, na una nang ikinasa ni Arum kay Pacquiao, ay lumutang pa rin, kasama sina former multi-division champion Adrien Broner at current WBO at WBC 140-pound cham­pion Terence Crawford.

“Jeff Horn is a possibility for Australia and then going on, in months, there is (Adrien) Broner and (Terence) Crawford,” wika ni Arum.

Kung mapapanalisa na ang kalaban, ayon kay Arum, ang laban ay gaganapin sa labas ng USA, bagama’t umaasa siyang sa Amerika pa rin ang susunod na laban ng Pinoy boxing icon.

“The first fight will be outside. Hopefully the fight in the fall or winter will be in the United States,” dagdag ni Arum.

Nabanggit ang ­Dubai, Abu Dhabi, Sydney­ at Brisbane bilang posibleng­ venue ng laban ni ­Pacquiao.

Inakala ng lahat na done deal na ang laban kay Horn at venue na lang ang pinag-uusapan.

Subalit, biglang nag-tweet si Pacquiao sa pagsasabing ang susunod n­iyang laban ay gagawin sa Dubai.


Una nito ay nagpa-­survey pa ang Fighting Senator kung sino ba sa tingin ng mga fans ang dapat niyang labanan at lumabas ang pangalan ni Khan.

Pero, pagpasok ng buwan ng Marso, ‘pinatay’ ni Arum ang umano’y Pacquiao-Khan deal.

Pero, sakali aniyang matuloy ang Pacquiao-Khan clash, posibleng sa buwan na ng Hulyo ito gawin.

“If it’s Amir Khan, it has to be in July because of Ramadan.”

Si Khan ay isang devout Muslim at nagli-leave sa boksing sa kasagsagan ng Ramadan, na ipagdiriwang mula Mayo 26 hanggang Hunyo 24.

“We are working on that,” pahabol pa ni Arum. “We will have an ­announcement soon. We are getting close.”


SHARE