Una sa Balita

Buhay nasisira sa sex (2)

0 432

Dear Dra ­Holmes (shortened Aug 19 ­letter)

Me and my bf will be celebrating our 5th year. We are in an open relationship – In ­other words, Dra ­Holmes, we are Swingers. Do you consider people in this lifestyle having ­mental health ­problems? ­Because when my best friend found out, she accused­ us of ­being “not all there.” Please tell me what we are po. ­Eleanor

Dear Eleanor:
Maraming salamat sa iyong sulat na una ­nating pinublish natin ng buo noong ­nakaraang Lunes, Agosto. 19. Sa huling kolum ko noong nakaraang Miyerkules, Agosto. 21, sinabi ko na, sa aking tingin na inyong relasyon, wala ­kayong mental health problem. At least, wala dahil sa ­inyong pagiging swinger. Yan ay ­dahil ­magkasama pa rin kayo kahit na 5 taon na ­kayong nagswi-swing.
Ang tanong na pinangako kong sasagutin ngayon ay “Kung wala ka bang mental health problem ibig sabihin ay mantally healthy ka?” Sa aking karanasan bilang sikolohista, dahil lang wala kang problema sa mental health, ­hindi ibig sabihin na mentally healthy ka. Parang sa ­katawan rin: wala akong sakit, wala akong ­cancer o TB, pero hindi ibig sabihin na ­malusog ako. Baka masyado akong mataba o ang BP ko ay ­medyo mataas. Ganyan din ang ­relasyon. ­Dahil ­lamang walang malaking problema sa ­relasyon ninyo, hindi ibig sabihin na ok na ok kayo. ­Maaring ang pagiging swinger ang isang ­sagabal sa inyong maging mas malapit sa isa’t isa.
Pero, ganyan naman talaga ang buhay, diba, Eleanor? So huwag kang magalala kung ­hindi perpekto ang inyong relasyon. Ilan naman ­relasyon ang perpekto? Ang mahalaga ay ­alagaan ang mga relasyonna mahalaga sa inyo at ­gawing pinakamaganda ito sa hanggang kaya mo. ­Ingat — MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at ­Biyernes at sa TONITE tuwing Sabado at ­Linggo. Panoorin­ siya sa Sex Talks with Dr ­Holmes sa streaming app HOOQ. ­Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy