Una sa Balita

Buhay napadpad sa impiyerno

0 294

Mga ka-Misteryo nakarinig na ba kayo ng kuwentong may napadpad na sa impiyerno kahit hindi pa patay?

Yan ang ating pag-usapan ngayon sa ating mis-yon: ‘Kapag may Misteryo, alamin ang Totoo.”

Kuwento ni Norman ng Kalookan, dalawang magkaibang araw niya napuntahan ang impiyerno.

Si Norman ay nasa larangan din ng paranormal at may kakayanan siyang lumabas sa katawan para mag-astral travel.

Ngunit, ang kanyang pamamasyal sa impiyerno ay hindi niya sinadyang gawin ng gabing yun.

Pagtulog niya sa gabi mula sa trabaho ay agad siyang nahimbing at bigla na Lang niyang nakitang lumabas sa katawan.

Sa isang iglap ay napunta siya sa napakadilim na lugar. Buong kapaligiran ay pawang kadiliman…nang may bigla siyang marinig sa di kalayuan, dumadagundong na malaking boses ng lalaki.

“May bago dito, nara-ramdaman ko.” Ayon sa mahiwagang boses sa di kalayuan.
Sinundan ito ng mala-lakas na yabag papalapit sa kanyang kinaroroonan. Dito na kinabahan si Norman kaya’t nag-isip siya kung ano ang gagawin.

Nag-relax, nag-meditate si Norman at inisip na u­malis sa madilim na dimensiyon ng impiyerno hanggang sa naramdaman niyang umangat siya mula sa ilalim at biglang sulpot sa tabi ng natutulog niyang katawan at bumalik.

Para kay Norman, bahagi ng impiyerno ang walang hanggang kadiliman na kanyang napuntahan.

Ilang araw ang lumipas, lumabas na naman ng kanyang katawang pisikal ang astral body at napadpad naman siya sa walang hanggang ma-asupreng kapaligiran na may halong putik.

Ang masaklap hindi siya makagalaw dahil nakalubog ang kanyang sarili sa putik hanggang sa may maaninag siyang mga nilalang na mabilis na papalapit sa kanya.

Nakita siya ng mala-halimaw na nilalang na merong anim na paa at apat na mahahabang braso na animo’y goma na kayang pahabaiin para siya abutin.

Alam ni Norman na siya ay napadpad sa isang dimensiyon ng impiyerno kaya’t minabuti niyang wag matakot dahil alam niya pag nag-pa-nic siya ay siguradong makukulong siya sa dimensiyon na yun.

Palapit ng palapit ang halimaw kay Norman at narinig niya ang isang boses: “Isipin mo lang, makakalipad ka.”

Hindi na nagdalawang isip pa si Norman at sinunod ang sinabi ng boses kung kaya bigla siyang umangat sa pagkakalubog sa asupreng putik hanggang sa makabalik siya sa dimensiyon ng mga tao.

Hindi ko maaaring sagkaan ang karanasan ni Norman dahil una may alam siya sa paranormal; panga-lawa, alam niya ang kaka-yanan niya sa astral travel at pangatlo may basehan ang sinabi niyang nakara-ting nga siya sa impiyerno.

Ang mga dimensyon na binanggit niya ay malapit sa 9 Circles of Hell na sinulat ni Dante Alighieri noong taon 1308 hanggang 1321. Bukod pa ito sa p­ersonal kong kaalaman batay sa salsaysay ng iba pang indibidwal na nasa larangan ng metapisikal at paranormal.

Para sa inyong mga kuwentong nakakatakot at kababalaghan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang website ng Abante At Abante Tonite. Maging ang aking website www.reytsiba-yan.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy