Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buhain, Ramon sa TOPS Forum

0 69

TAMPOK ang tatlong sports personality, kabilang ang dalawang itinuturing na legend sa Philippine sports ang tampok na panauhin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports , Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Mayo 26 via Zoom.

Ibabahagi ang mga karanasan, kabiguan at tagumpay ng atletang Pinoy sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Chief of Mission Ramon ‘El Presidente’ Fernandez sa pagbabalik ng TOPS matapos ang pagbibigay-daan sa kampanya sa SEA Games.

Makakasama ni Fernandez, isa sa living legend sa basketball, ang kapwa PSC Commissioner na si Charles Raymund Maxey para magbahagi sa nakatakdang mga programa ng ahensiya bilang bahagi ng ‘Sports for Peace’ sa Mindanao sa session ganap na 10am.

Related Posts

Inaasahan namang magbibigay ng kanyang plano at programa sa sports at higit na kaunlaran ng Batangas ang bagong halal na congressman sa Unang Distrito na si swimming icon Eric Buhain.

Ang SEA Games record holder, Olympian, dating PSC Chairman at Philippine Sports Hall-of-Famer awardee ang pumalit sa maybahay na si Eileen Ermita-Buhain bilang kinatawan ng Batangas sa Kongreso.

Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth Repizo-Santos ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiats na makibahagi sa talakayan na mapapanood din ng live sa TOPS Facebook page at YouTube, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at PAGCOR. (Abante Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.