Una sa Balita

Buhain, Monsour, Carrasco sa TOPS ‘Usapang Sports’

0 314

ISYU sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games at ang kaganapan sa swimming community ang tampok na paksa sa unang edisyon ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ para sa taong 2019 ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Inaasahang magbibigay ng update sa programa ng bansa para sa ikaapat na pagkakataon na maging host ng biennial meet sina 2019 SEAG chef de mission Monsour del Rosario at SEAG organizing committee executive director Tom Carrasco.

Host ang bansa ng SEAG sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nakatakda namang magbigay ng kanilang saloobin at pananaw sa mga kaganapan sa swimming community sina 1991 SEAG seven-gold medal winner at Olympian Eric Buhain at Ral Rosario.

Nakatakda ang programa ganap na alas-10:00 ng umaga.

Sina Del Rosario, Buhain at Rosario – pawang outstanding athletes sa kanilang kapanahunan – ay pawang modelo na ginagamit na sukatan ng mga batang atleta.

Bukas ang programa para sa lahat at hinihi­ling ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa talakayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy